Negosyante nagpanggap na taga-MMDA nalambat

By Chona Yu May 18, 2023 - 04:51 PM

MMDA PHOTO

Inaresto ang isang negosyante sa pagpapanggap na tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) para makotongan ang isang UV Express operator sa Quezon City.

Hindi na nakapalag 36-anyos na si Jacob Arellano, ng Antipolo City, nang arestuhin siya ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) MMDA- Intelligence and Investigation Office (IIO).

Nabatid na Abril 27 nang ma-impound ang isang colorum   commuter van sa MMDA impounding area sa Marikina City.

Tinawagan ni Arellano ang operator at nagpakilalang tauhan sa MMDA Office of the General Manager at nanghingi ng P15,000 kada buwan bilang proteksyon sa mga UV Express vans na nasa pangangasiwa ng huli.

Nagbigay ng P7,500 ang biktima kay Arellano bilang paunang bayad at Mayo 16 nang muling magbigay ng P7,500 ang una.

Nagsumbong na ang biktima sa awtoridad nang manghingi ng P15,000 si Arellano para sa na-impound na van.

 

 

TAGS: colorum UV express, kotong, mmda, colorum UV express, kotong, mmda

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.