Sanggol, 2 pa patay sa bumagsak na puno sa Maynila

MANILA DRRMO PHOTO

Nasawi ang tatlong katao, kabilang ang dalawang taong gulang na sanggol, nang bumagsak ang isang puno sa mga barong-barong sa gilid ng Estero de Magdalena sa Maynila kaninang madaling araw.

Itinuturo ang malakas na pag-ulan na dahilan sa pagbagsak ng puno.

Kinilala naman ang mga biktima na sina  Edcel Lansiola, 42; Jomar Portillo, 28. at John Mark Portillo, 2, pawang residente ng Alvarado street.

Nabatid na hindi nakalabas ang mga biktima nang mabagsakan ng puno ang kanilang tirahan pasado alas-3 kanina.

Agad naman rumesponde ang mga tauhan ng Manila Disaster Risk Reduction and Management Office at nakuha ang huling bangkay bago mag-alas-8 ngayon umaga.

 

Read more...