PSA: Stock ng bigas sa bansa bumaba

By Jan Escosio May 18, 2023 - 08:26 AM

Bumaba ng 7.5 porsiyento ang imbentaryo ng nakaimbak na bigas sa bansa mula noong Pebrero hanggang Marso ngayon taon, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).

Base sa inilabas na inventory report ng ahensiya, ,ay 1.41 milyong metriko tonelada ng bigas pagpasok ng Marso, na mababa ng 13.7 porsiyento sa nakalipas na isang taon.

“With reference to the previous month, rice stocks exhibited month-on-month reduction in the household sector by -7.5 percent, in the commercial sector by -8.7 percent, and in NFA depositories by -1.6 percent,” paliwanag ng PSA.

Bumaba ang stock ng bigas sa mga kabahayan ng 6.2 porsiyento o may katumabas na 811.52 metriko tonelada, samantalang 19.2 porsiyento naman ang ibinaba sa mga bigas sa commercial warehouses at sa mga bodega ng National Food Authority (NFA) ay bumaba ng 33.9 porsiyento.

Sa kabuuan, 57.6 porsiyento ng naka-imbak na bigas sa bansa ay nasa mga kabahayan.

TAGS: psa, rice, stock, psa, rice, stock

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.