Dating PGMA hinubaran ng mataas na puwesto sa Kamara
Si Pampanga 2nd district Representative Gloria Macapagal-Arroyo ang pangalawang pinakamataas na opisyal sa Kamara hanggang sa sesyon kanina.
Mula sa pagiging senior deputy House speaker, ginawang deputy speaker na lamang si Macapagal-Arroyo.
Nakipagpalit ng posisyon ang dating pangulo kay Pampanga 3rd district Rep. Aurelio “Dong” Gonzales Jr.
Sa ngayon si Macapagal-Arroyo ang chairman emiritus ng Lakas-Christian Muslim Democrats (Lakas-CMD) at si House Speaker Martin Romualdez naman ang pangulo ng partido.
Nang ianunsiyo ang pagbabago, agad na tinapos ang sesyon.
Ipinaliwanag ni House Majority Leader at Zamboanga City 2nd district Rep. Mannix Dalipe na ang pagpapalit ng posisyon nina Macapagal-Arroyo at Gonzales ay upang mapagaan ang mga responsibilidad ng 76-anyos na dating pangulo.
Wala pang pahayag ang kampo ni Macapagal-Arroyo ukol sa pagbabago.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.