Binuwag na sugar body balak ibalik ni Pangulong Marcos Jr.
Balak ni Pangulong Marcos Jr. na buhaying muli ang Philippine Sugar Corp. (PhilSuCor) na una nang binuwag ni dating Pangulong Duterte noong 2018.
Ginawa ng Pangulo ang pahayag matapos pulungin sa Malakanyang sa unang pagkakataon ang mga magsasaka at stakeholder ng asukal.
“One of the suggestions that came up during the meeting was to revitalize PhilSuCor. PhilSuCor is Philippine Sugar Corporation. It provides financing for farmers, especially for cooperatives and farmers’ association, ‘yung mga tinatawag na block,” pahayag ng Pangulo.
Hindi kasi aniya makapagtrabaho ang mga nasa industriya ng asukal dahil binuwag na ang PhilSuCor, na nabuo ng Presidential Decree No. 1890 ng yumaong Pangulong Marcos noong 1983.
Tungkulin ng PhilSuCor na pondohan ang pagbili, rehabilitasyon at pagsasa-ayos ng sugar mills, refineries at iba pang pasilidad na may kinalaman sa asukal.
Oktubre 25, 2018 nang lagdaan ni Duterte ang MO No. 30 na nag-aabolish sa government company.
Binuwag ni Duterte noong Oktubre 2018 ang PhilSuCor sa katuwiran na nadodoble ang trabaho sa Sugar Regulatory Administration (SRA).
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.