Purisima, naghain ng not guilty plea sa kasong graft

Photo from MJ Cayabyab/Inquirer.net
Photo from MJ Cayabyab/Inquirer.net

Naghain ng “not guilty” plea si dating Philippine National Police (PNP) chief, Director General Alan Purisima sa kanyang kinahaharap na kasong graft sa Sandiganbayan.

Maging ang kanyang co-accused na sina ex-PNP officers Napoleon Estilles, Gil Meneses, Allan Pareño, Ford Tuazon at Melchor Reyes ay naghain din ng “not guilty” plea.

Nag-ugat ang kasong katiwalian sa diumano’y maanomalyang Werfast Courier Service deal ng PNP sa ilalim ng pamumuno ni Purisima.

Personal na humarap si Purisima sa hukuman para ihain ang kanyang plea.

Samantala, ipinagpaliban naman ng Sandiganbayan ang pagbasa ng sakdal, sa labing isa pang co-accused ni Purisima.

Kabilang dito sina Philrem President Salud Bautista at dating PNP official Raul Petrasanta.

 

Read more...