Sandigan itinakda na ang arraignment ni dating QC Mayor Bistek

By Jan Escosio May 17, 2023 - 03:37 PM

HB FB PHOTO

Bukas ang pagsasakdal kay dating Quezon City Mayor Herbert ‘Bistek’ Bautista sa Sandiganbayan kaugnay sa kinahaharap niyang P32.1 million graft case.

Ipinagharap si Bautista kasama si dating City Administrator Aldrin Cuña ng kasong paglabag sa RA 3019 o ang Anti-Graft and Corrupt Practices Act kaugnay sa diumanoy ilegal na pagbabayad ng P32.1 milyon sa Geodata Solutions Inc., para sa online occupational permitting and tracking system.

Una nang ibinasura ng anti-graft court ang  mosyon ni Bautista na ibasura ang reklamo sa kanya sa katuwiran na nalabag ang kanyang karapatan para sa mabillis na disposisyon ng kaso.

May hiwalay pa ng katulad na kaso ang dalawa kaugnay naman sa pagbabayad ni Cuña ng P25.3 milyon sa Cygnet Energy and Power Asia Inc., para sa paglalagay ng Solar Power System at waterproofing sa Civic Center Building ng lungsod.

Paglabag sa batas ang ginawa ni Cuña, ayon sa prosekusyon, dahil binayaran ang Cygnet Energy and Power Asia Inc., sa kabila ng kabiguan na makakuha ng Net Metering System  mula sa Manila Electric Company, na isa sa mga  requirement ng Supply and Delivery Agreement.

TAGS: Anti Graft and Corrupt Practices Act, Herbert Bautista, QC, sandiganbayan, Anti Graft and Corrupt Practices Act, Herbert Bautista, QC, sandiganbayan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.