Solusyon sa power crisis sa Occidental Mindoro kinuwestiyon ni Poe

By Jan Escosio May 17, 2023 - 01:12 PM

SENATE PRIB PHOTO

Kinuwestyon ng ilang senador ang National Electrification Administration (NEA) at ang Energy Regulatory Commission (ERC) ukol sa pagpapatagal sa solusyon sa problema sa suplay ng kuryente sa Occidental Mindoro.

Sa pagdinig ng Commitee on Energy, tinanong ni Sen. Grace Poe ang mga ahensya kung bakit tumagal pa ng ilang buwan ang paghihirap ng mga residente gayong mayroon naman palang solusyon at permit lamang pala ang kailangan para mapagana ang isang power plant na makapagdadag ng suplay ng kuryente sa lalawigan. Nabanggit ng NEA na dalawang planta lang ng Occidental Mindoro Consolidated Power Corporation (OMCPC) ang gumagana at ang ikatlong power plant (Samarica) ay kamakailan lamang nagkaoperasyon dahil sa kawalan ng provisional authority mula sa ERC. Paliwanag naman dito ni ERC Chairperson Atty. Monalisa Dimalanta, ang ikatlong power plant ng OMCPC ay kombinasyon ng bunker at solar component at natagalan sila sa aplikasyon ng provisional authority sa solar dahil hinintay pa ang pagkumpleto sa ilang mga requirements tulad ng environmental permits at land conversion. Ayon pa kay Dimalanta, kakakumpirma lamang din ngayon na nakumpleto na ng OMCPC ang mga kinakailangang dokumento para sa aplikasyon sa provisional authority ng Samarica power plant. Target naman ng ERC na sa loob ng isang buwan ay maproseso na nila ang mga papeles ng power supplier basta’t kumpleto lang ang mga naisumiteng dokumento upang hindi na mangyari muli ang patay-sindi na suplay ng kuryente sa Mindoro.

TAGS: crisis, Energy, erc, NEA, Occidental Mindoro, power, crisis, Energy, erc, NEA, Occidental Mindoro, power

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.