Level-up road safety seminar ikakasa ng MPT South

By Jan Escosio May 17, 2023 - 12:45 PM

MPT SOUTH PHOTO

Sa darating na Mayo 19, araw ng Biyernes, muling magsasagawa ang Metro Pacific Tollways (MPT) South ng road safety seminar kasabay nang paggunita ngayon taon ng ‘Road Safety Month.’

Ayon kay Arlette Capistrano, MPT – South Vice President for Communications and Stakeholders Management, mas pinaghandaan nila ngayon ang ikakasang ‘Drayberks’ sa tulong ng Cavite State University (CavSU) sa SM City Bacoor.

Aniya ngayon taon ay itatampok ang Drayberks BISA o Buhay Ingatan, Sasakya’y Alagaan, na ang layon ay mabigyan ng sapat na edukasyon ang mga driver ukol sa tamang pag-aalaga ng kanilang sasakyan, bukod pa sa ligtas na pagmamaneho o pagbiyahe.

Ang Drayberks BISA ay una nang ikinasa sa Paranaque Integrated Terminal Exchange (PITX) sa pangunguna naman ng mga automotive technology experts.

Bukod dito, dagdag pa ni Capistrano, ay ipapaalam nila ang #EGGStraSafe, na bahagi ng kanilang digital awareness campaign, para lubos na mapahalagahan ang ibayong pag-iingat dapat sa pagmamaneho, katulad ng maingat na paghawak sa itlog.

Ikakasa din ang Drayberks BISA sa SM City Sta. Rosa sa Mayo 27.

Ang programa ay pagsuporta ng MPT South sa resolusyon ng United Nations General Assembly na “Improving Global Road Safety,” na ang layon ay mabawasan ng 50 porsiyento ang road traffic deaths hanggang sa 2030.

 

 

 

TAGS: Metro Pacific Tollways, road safety, seminar, Metro Pacific Tollways, road safety, seminar

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.