Oil price rollback, ipatutupad bukas
(UPDATED) Matapos ang limang linggo na magkakasunod na oil price hike, asahan naman bukas ang rollback sa presyo ng produktong petrolyo.
Unang nag-anunsyo ng rollback ang kumpanyang Shell.
Sa abiso ng Shell, epektibo alas 6:00 ng umaga bukas, magpapatupad sila ng 65 centavos na bawas sa kada litro ng gasolina at diesel at 45 centavos na bawas sa kada litro ng kerosene.
Parehong rollback din ang ipatutupad ng kumpanyang Petron sa kanilang produktong petrolyo, pero sa mas maagang oras na 12:01 ng madaling araw bukas.
Sa ngayon, batay sa domestic oil prices ng Department of Energy (DoE) mula noong June 14, 2016, naglalaro na sa P25.70 hanggang P28.95 ang presyo ng kada litro ng diesel habang P36.30 hanggang P43.35 naman sa gasolina.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.