Babawiin ng gobyerno ang pamamahala sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) kung kinakailangan.
Ayon kay Presidential Communications Office Sec. Cheloy Garafil, hindi magdadalawang isip ang pamahalaan na pangasiwaan ang pamamahala sa NGCP kung mabibigo itong ayusin ang pagsusuplay ng kuryente sa bansa. Sinabi ni Garafil na sumang-ayon si Pangulong Marcos Jr. sa balak ni Sen. Raffy Tulfo na magsagawa ng malalimang imbestigasyon para matukoy kung sino ang may tunay na kontrol sa NGCP. “The President agreed with the Senator’s proposal to conduct a comprehensive study or hold hearings to determine the actual situation. If necessary, the government will take back control of the entity,” pahayag ni Garafil. Inabisuhan aniya ni Tulfo ang Punong Ehekutibo na iimbestigahan ang NGCP. Nag-aalala si Tulfo dahil malaking bahagi ng power grid operator ay pag-aari ng gobyerno ng China.MOST READ
LATEST STORIES