Rep. Arnie Teves sinabing ‘fake news” ang pag-uwi ng Pilipinas

By Jan Escosio May 17, 2023 - 07:29 AM

Tinaguriang “fake news” ni suspended Negros Oriental Representative Arnolfio “Arnie” Teves Jr., ang napabalitang pag-uwi niya ng Pilipinas.

Kahapon, inanunsiyo ni Justice Sec. Jesus Crispin Remulla na babalik ng ng bansa ang mambabatas na iniuugnay sa pagpatay kay Negros Oriental Gov. Roel Degamo.

Ayon kay Remulla, sa isang “reliable source” niya nalaman ang pagbalik sa Pilipinas ni Teves.

“You want a more reliable source? Sino bang reliable source, yung source nila or ako? “Fake news. Yes!” diin ni Teves sa panayam sa radyo ngayon umaga.

Tumanggi naman ang mambabatas na magbigay ng detalye ukol sa inihirit niyang political asylum sa Timor Leste.

Samantala, ibinahagi ni Remulla na ngayon araw ay sasampahan na ng mga kinauukulang kaso si Teves.

 

TAGS: DOJ, fake news, remulla, teves, DOJ, fake news, remulla, teves

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.