Climate Change, dapat ding i-prayoridad ng Duterte Administration

By Erwin Aguilon June 20, 2016 - 09:12 AM

drought el nino mindanaoNanawagan ngayon ang Simbahang Katolika sa administrasyon ni incoming President Rodrigo Duterte na gawing prayoridad ang paglaban sa Climate Change.

Ayon kay Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) – National Secretariat for Social Action (NASSA) Executive Secretary Father Edwin Gariguez, dahil sa “Change is Coming” na kasabihan ngayon, dapat maging bahagi nito ang polisiya sa climate change.

Sinabi ni Gariguez na dapat maging seryoso ang susunod na pamahalaan sa gagawing paglaban sa epekto ng climate change sa Pilipinas.

Samantala, siniguro naman ni Fr. Dexter Toledo, National Coordinator of Ecological Justice Interfaith Movement na hindi mananahimik ang Simbahang Katolika at patuloy na ipaglalaban ang adhikain para sa malinis na kapaligiran at kapakanan ng pamayanan.

Umaasa naman si Toledo na magiging bahagi ng mga plataporma bg mga uupong bagong mga lider ng bansa ang pangangalaga sa kalikasan.

 

TAGS: climate change, climate change

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.