Ex-Rep. Rex Gatchalian nakumpirma na bilang DSWD chief

Humigit-kumulang dalawang oras na humarap si dating Valenzuela City Representative sa Commission on Appointments (CA) para sa kanyang kumpirmasyon bilang kalihim ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).   Natanong ng husto si Gatchalian ng mga miyembro ng CA ukol sa kanyang mga plano sa mga programa sa kagawaran.   Kasunod nito ay nakalusot na sa komite ang kanyang ad interim appointment bago humarap sa plenaryo ng CA kung saan inaprubahan ang pagtatalaga sa kanya ni Pangulong Marcos Jr.   Ipinalit ni Pangulong Marcos Jr., si Gatchalian kay dating acting Sec. Erwin Tulfo, na dalawang beses na-bypassed sa CA dahil sa ibat-ibang isyu.   Kasunod ni Gatchalian ang pagkumirma naman ng CA sa 50 matataas na opisyal ng AFP.

Read more...