DOT hindi maghihigpit sa travel restrictions

Tapos na ang pandemya.

Tugon ito ni Tourism Secretary Christina Frasco sa tanong kung maghihigpit ulit ang pamahalaan sa travel restriction matapos tumaas ang kaso ng COVID-19 sa ilang tourist destination sa bansa.

Sa pulong balitaan sa Malakanyang, sinabi ni Frasco na mismong ang World Health Organization na ang nagsabi na tapos na ang pandemya.

“Kaya naman po, while we continue to support the Department of Health’s measures as far as ensuring the health and safety of our fellow Filipinos, the direction of the Philippines is forward and that is to ensure that we continue to open up the country to travel and tourism, that is the direction set by our President,” pahayag ni Frasco.

“Of course, all the minimum health and safety standards are in place and this is also made sure of as far as compliance with our DOT-accredited establishments,” dagdag ni Frasco.

Matatandaang ibinalik ng lokal na pamahalaan ng Baguio City ang pagsusuot ng face mask matapos tumaas ang kaso ng COVID-19.

 

 

Read more...