Babaguhin ng Department of Tourism ang campaign slogan ng Pilipinas.
Sa pulong balitaan sa Malakanyang, sinabi ni Tourism Secretary Christina Frasco na inaprubahan na ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang National Tourism Development Plan para sa taong 2023 hanggang 2028.
Sa ngayon, ginagamit ng Pilipinas ang campaign slogan na “It’s more fun in the Philippines.”
Gayunman, hindi na muna tinukoy ni Frasco ang bagong campaign slogan.
Target aniya ng pamahalaan na gawing tourism powerhouse ang Pilipinas.
Kaya tutukan ng pamahalaan ang pagsasaayos saa imprastraktura, internet connectivity sa 94 tourist destination, digitalization at electronic visa system sa tulong ng Department of Information and Communications Technology.
Umaasa si Frasco na makalilikha ng trabaho sa turismo ang inaprubahang plano ni Pangulong Marcos.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.