Sen. JV Ejercito: NGCP dapat nasa kontrol ng gobyerno
By Jan Escosio May 16, 2023 - 12:18 PM
Sinabi ni Senator JV Ejercito na dapat na mapasailalim sa kontrol ng gobyerno ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).
Kaugnay ito sa nararanasang kakulangan sa suplay ng kuryente sa ilang bahagi ng bansa dahil sa mga aberya sa mga transmission system na pinangangasiwaan ng NGCP.
Aniya, ang NGCP ay itinuturing na “backbone of electricity” sa bansa at sa isang ‘switch’ lang nito ay maaaring maparalisa ang buong ekonomiya.
Dagdag pa ni Ejercito, 40 porsiyento ng NGCP ay pagmamay-ari ng gobyerno ng China kayat lubhang nakakabahala na malaking kontrol ng naturang bansa sa korporasyon.
Giit pa nito, ang mga ganitong utilities na may kinalaman sa “national security” ay marapat lamang na mapasailalim sa kontrol ng pamahalaan.
Nangangamba rin ang senador na dahil sa may isyu ang Pilipinas at China sa West Philippine Sea, hindi malabong nagagamit ng China ang NGCP at ang iba pang kasunduan para ma-monitor at mapasok ang bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.