(Senate PRIB)
Naniniwala si Senator Christopher Go na tunay na napapanahon ang panukalang P150 dagdag-suweldo sa mga manggagawa sa pribadong sektor.
Diin niya malaking tulong ang taas-sahod para makaagapay ang mga manggagawa sa epekto dulot ng pandemiya.
Napabilang si Go sa mga co-author ng Senate Bill 2002 o ang Across-the-Board Wage Increase Act of 2023.
Binanggit pa nito ang resulta ng survey, kung saan halos kalahati ng populasyon ng bansa ang ikinukunsidera pa rin ang kanilang sarili na mahirap.
Diin pa ni Go kailangang patuloy na magpatupad ang gobyerno ng mga hakbangin para maibsan ang epekto ng pandemya sa buhay at kabuhayan ng mamamayan.
Aniya bagamat unti-unting sumisigla na ang ekonomiya, malaking isyu ang mataas na halaga ng mga bilihin, gayundin ang maliit na suweldo.
Paalala din niya, ang mga negosyo ay nakikinabang na sa RA 11534 o ang Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises (CREATE) Act kayat panahon na para ang kapakanan ng mga manggagawa naman ang bigyang-pansin.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.