Nanawagan ang Quezon City Epidemiology and Disease Surveillance Unit (QCESU) sa mga residente ng lungsod na agad na ipagbigay alam kung nakararanas ng sintomas ng COVID-19.
Ayon kay Dr. Rolly Cruz, head ng QCESU, dapat ding ipagbigay alam kung nagkaroon ng close contact sa isang indibidwal na nag-positibo sa naturang sakit.
“We highly encourage our people to continue reporting cases so we can effectively reach out to them and provide necessary assistance. This collaborative effort will help us mitigate the spread of the virus and further reduce the number of cases,” pahayag ni Cruz.
Mahalaga ayon kay Cruz na maging proactive.
Maari aniyang itawag sa kanilang tanggapan sa telepono bilang 8703-2759, 8703-4398, 0999-229-0751, 0908-639-8086, and 0931-095-7737 o sa official Facebook page.
Payo ni Cruz sa mga residente, sumunod sa mga health protocols lalot muling tumataas ang kaso ng COVID-19.
Dapat din aniyang manatili na lamang muna sa bahay ng limang ataw ang isang indbidwal kung nakararanas ng lagnat, ubo, at sipon at magsuot ng face mask.
“We urge our QCitizens to make informed decisions regarding face masks. While the current national policy allows voluntary usage of face masks in indoor and outdoor spaces, we continue to advise the public to wear masks, especially in crowded areas where the risk of virus transmission is high,” pahayag ni Cruz.
Base sa talaan ng QCESU, tumaas sa 1,057 na kaso ng COVID-19 ang naitala sa lungsod mula Mayo 8 hanggang 14. Mas mataas ito kumpara sa 810 na kaso na naitala noong Mayo 1 hanggang 7.
Tumaas din ang positivity rate sa lungsod kung saan pumalo na sa 29.9 percent kumpara sa 26.2 percent.
Sabi ni Cruz, bagamat tumataas ang kaso nG COVID-19, mababa naman ang hospital occupancy na nasa 35.5 percent.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.