Dalawang tripulante sugatan sa sunog sa barko

By Chona Yu May 16, 2023 - 09:40 AM

 

Sugatan ang dalawang tripulante matapos matupok ng apoy ang sinasakyang barko sa karagatang sakop ng Cuyo, Palawan.

Ayon sa ulat ng Philippine Coast Guard, nagtamo ng first degree burn ang dalawang tripulante nang masunog ang FV Victory 89 na gawa umano sa fiber at pag-aari ng Frabelle Fishing Corporation.

Agad na rumesponde ang mga tauhan ng PCG para apulahin ang apoy.

Ayon pa sa PCG, ilang oras matapos masunog ang barko, lumubog din ito sa karagatan.

Agad naman na naglatag ng oil spill booms ang PCG.

Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang PCG para matukoy ang sanhi ng sunog.

 

TAGS: Barko, coast guard, Cuyo, news, Palawan, Radyo Inquirer, sunog, Barko, coast guard, Cuyo, news, Palawan, Radyo Inquirer, sunog

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.