Panukalang dagdag pensyon sa mga beterano lumusot sa Senado

Inaprubahan na sa third and final reading ng Senado ang panukalang batas ni Senator Jinggoy Ejercito Estrada na magtatakda ng 350 hanggang 488 porsiyentong na pagtaas sa disability pension ng mga beterano at kanilang mga benepisaryo.    Layon ng Senate Bill No. 1480 na tumaas ang buwanang pensiyon ng mga disabled veterans.   Ayon sa namumuno sa Senate Committee on National Defense and Security, matagal nang dapat na naisabatas ang kanyang panukala dahil sa matagal ng nag aantay ang mga beterano na may kapansanan at nasugatan sa tungkulin.   Dagdag pa nito kailangan ang regular upadate sa disability pension, na aniya ay hindi nagbago ng halos tatlong dekada. Nakapaloob sa panukalang Rationalizing the Disability Pension of Veterans, ang base rate ng disability pension ay itataas sa P4,500 mula sa kasalukuyang natatanggap nila na P1,000. Ito ay may katumbas na pagtaas na 350%.   Ang mga kasalukuyang tumatanggap ng buwanang disability pension na P1,200; P1,300; P1,400; P1,500; at P1,600 ay magiging P6,100; P6,900; P7,700; P8,500, at P9,300.   Samantala, ang kasalukuyang P1,700 na buwanang pensyon na may pinakamataas na disability rating ay magiging P10,000 na may pagtaas na P8,300 o katumbas ng 488%.    Ang P500 na buwanang pensyon para sa asawa at mga menor de edad na anak ay gagawin ng P1,000.  

Read more...