Sa kabiguan na sumunod sa reimbursement order noong 2020, pinagmulta ng Philippine Competition Commission (PCC) ang Grab ng P9 milyon.
Sa resolusyon na may petsang Pebrero 2, ngayon taon, pinatawan ng PCC ng P6 milyon multa ang Grab dahil sa paglabag sa tatlong magkakahiwalay na kautusan para sa kabuuang P25.45 million reimbursement sa kanilang pasahero.
Bunga ito ng kabiguan ng Grab na ipasa ang kanilang Price Monitoring Commitment.
Unang inilabas ng refund order sa Grab noong Nobyembre 2019, na sinundan sa sumunod na buwan at ang ikatlo ay noong Oktubre 2020.
Una na rin pinagmulta ang Grab ng P63.7 milyon bunga nang paglabag sa mga kautusan ng PCC nang bilihin nito ang kanilang kakumpetensiya, ang Uber noong 2018.
Inatusan din ang naturang kompaniya na bumuo ng alternatibong refund mechanism para sa matulungan ang kanilang mananakay sa kanilang reimbursement.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.