Panukalang Maharlika Investment Fund tinalakay na sa plenaryo ng Senado

By Jan Escosio May 16, 2023 - 08:50 AM
Nagsimula na  sa Senado ang debate kaugnay sa ipinapanukalang pagbuo ng Maharlika Wealth Fund.   Ngunit bago ang pagsisimula ng mga interpelasyon, kinuwestiyon pa ni Senate Minority Leader Koko Pimentel ang quorum nang mapuna niyang iilang senador na lamang ang natitira sa plenaryo dahil nag-akyatan ang mga mambabatas sa kanilang tanggapan.   Matapos naman ang isang minutong break upang tawagin ang mga senador ay muling nagsagawa ng rollcall at idineklara ang quorum makaraang umabot 16 na miyembro ng Mataas na Kapulungan ang magsibalik sa plenaryo.   Unang bumusisi sa may-akda ng Senate Bill 2020 na si Senator Mark Villar ay si Senator Ronald Bato dela Rosa na sumentro ang pagtatanong sa pangangailangan ng pagbuo ng isang sovereign wealth fund.    Sinabi ni Villar na layon nito na magamit at mapakinabangan ng husto ang investment fund ng bansa at maibalik sa gobyerno ang mas malaking kita.   Binigyang-diin naman ni Sen. Grace Poe sa kanyang interpelasyon ang kuwalipikasyon at proseso ng pagpili ng board of directors na mamamahala sa pondo.   Ayon kay Villar, ang investment fund ay pamamahalaan ng siyam na board of directors na itatalaga ng Pangulo ng bansa at titiyaking may malawak na karanasan sa corporate governance and administration, investment ng financial assets, at management  ng investments sa global at local markets.

TAGS: Maharlika, Mark Villar, news, Radyo Inquirer, Maharlika, Mark Villar, news, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.