Malampaya Service Contract pinalawig pa ng 15 taon

By Chona Yu May 15, 2023 - 10:28 AM

 

Sinaksihan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang ceremonial signing para sa renewal agreement sa Malampaya Service Contract.

Ginawa ang ceremonial signing ngayong umaga, Mayo 15 sa Palasyo ng Malakanyang.

Nakasaad sa kontrata ang panibagong 15 taon o hanggang 2039 sa patuloy na produksyon ng Malampaya para sa kuryente sa bansa.

Nabatid na ang Malampaya gas field ay nagsu-supply ng 20 porsyento ng power requirement ng Pilipinas.

Ayon naman sa Department of Energy, hindi bababa sa limang power plants na may kumbinasyong capacity ng 3,453 megawatts ang kasalukuyang sinusuplay ng Malampaya.

Required din ang consortium na magsagawa ng minimum work program na binubuo ng geological at geophysical studies.

Kailangan din itong maghukay o magsagawa ng drilling ng kahit dalawang deepwater wells  sa panahon ng sub-phase 1 mula 2024 hanggang 2029.

Maliban dito ay kailngan din nitong magsagawa ng exploratory drilling  malayo sa Malampaya production area.

Ang karagdagang reserves  sa Malampaya gas field ay inaasahang magpapasigla sa hangarin ng pamahalaan para sa seguridad sa enerhiya ng bansa

 

TAGS: Kuryente, malampaya, news, Radyo Inquirer, renewal, suplay, Kuryente, malampaya, news, Radyo Inquirer, renewal, suplay

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.