Mid-year bonus ng mga kawani ng gobyerno matatanggap na ngayong araw
Simula ngayong araw, Mayo 15, matatanggap na ng mga kawani ng gobyerno ang mid-year bonus.
Ayon kay Budget Secretary Amenah Pangandaman, inilabas na ng kagawaran ang naturang pondo.
“I am happy to announce that our civil servants will be receiving their mid-year bonus this year, as provided in the agency-specific allocation under the 2023 General Appropriations Act or GAA. Alam naman po natin na isa ito sa mga inaabangan ng ating mga kapwa kawani ng gobyerno na talagang makatutulong sa kanilang araw-araw na pangangailangan,” pahayag ni Pangandaman.
“So, we are reminding all government agencies and offices to ensure the timely release of bonuses to their employees or as stipulated in our existing rules and regulations, simula May 15 po ‘yan,” dagdag ni Pangandaman.
Nabatid na ang mid-year bonus ay katumbas ng isang buwang basic pay o sweldo ng isang manggagawa.
Kasama sa makatatanggap ng mid-year bonus ang mga civilian personnel, regular, casual, o contractual man, appointive o elective, full-time o part-time na nasa ilalim ng Executive, Legislative, at Judicial branches, Constitutional Commissions at iba pang Constitutional Offices, State Universities and Colleges (SUCs), at Government-Owned or -Controlled Corporations (GOCCs).
Kasama rin sa mid-year bonus ang military personnel ng Armed Forces of the Philippines, Philippine National Police, Philippine Public Safety College, Bureau of Fire Protection, Bureau of Jail Management and Penology, Bureau of Corrections Philippine Coast Guard at National Mapping and Resource Information Authority.
Nasa mga sanggunian naman ang pamamahala sa mid-year bonus sa mga personnel ng provinces, cities, municipalities at mga barangays.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.