(File photo)
Nasungkit ng Filipino boxer na si Nesthy Petecio ang gintong medalya sa Southeast Asian Games na ginaganap sa Cambodia.
Ito ay matapos talunin ng Filipino Olympic silver medalist ang pambato ng Indonesia na si Ratna Sari Devi sa gold medal match sa women’s 57 kilogram finals.
Ito na ang ikalawang gintong medalya na nakuha ni Petecio sa SEA Games.
Taong 2019 nang makasungkit ni Petecio ang unang gintong medalya sa SEA Games.
Sa ngayon, apat na gintong medalya na ang nakukuha ng Pilipinas.
Una na kasing nakuha ang gintong medalya nina Ian Clark Bautista, Carlo Paalam, at Paul Bascon.
MOST READ
LATEST STORIES