Suplay ng bigas sapat kahit may El Niño

By Chona Yu May 12, 2023 - 06:02 PM

 

Tiniyak ng Department of Agriculture na sapat ang suplay ng bigas sa bansa.

Ito ay sa kabila ng nakaambang El Niño sa bansa.

Ayon kay DA Undersecretary Leocadio Sebastian, may mga nakalatag ng programa ang pamahalaan para maibsan ang epekto ng matinding tagtuyot.

“Naghahanda naman kami sa Department of  Agriculture kaya lang ako I had experience several El Niño and I’ve also found solutions to El Niño. Mayroon positive and negative na effect ang El Niño,”  pahayag ni Sebastian.

May ginagawa na aniyang assessment ang DA sa mga lugar na maapektuhan ng El Niño.

“The areas that were be affected negatively doon lang kami gumawa ng mga measures to mitigate the effect, but those areas will have positive effect, iyong positive effect kasi ng El Niño ay iyong maganda iyong solar radiation, iyong init ng araw na nagpapataas ng ani,” pahayag ni Sebastian.

May mga lugar aniya sa Pilipinas na kayang magkaroon ng maraming ani ng palay kahit na tag-init.

“So, hopefully maba-balance out iyong negative at saka iyong positive at kung successful tayo, we may even gain from those areas we’re will have positive effect of El Niño,” pahayag ng opisyal.

 

TAGS: Bigas, DA, El Niño, news, Radyo Inquirer, Tag-init, Bigas, DA, El Niño, news, Radyo Inquirer, Tag-init

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.