Pagtatalaga sa gabinete ni Pangulong Marcos sa mga talunang kandidato, saklaw ng political power
May kapangyarihan si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na magtalaga sa gobyerno sa mga natalong kandidato sa nakaraang 2022 national elections.
Pahayag ito ni Executive Secretary Lucas Bersamin sa gitna ng pahayag ni Cagayan de Oro Congressman Rufus Rodriguez na huwag nang i-recycle at italaga pa sa gobyerno ang mga talunang kandidato.
Ayon kay Bersamin, marami sa mga natalong kandidato ay maayos naman.
Kapag aniya nagpasya ang Pangulo na magpalit ng gabinete, nasa full political power pa rin ito ng punong ehekutibo.
Una nang sinabi ng Pangulo na asahan na may pagbabago sa gabinete sa mga susunod na araw matapos mapaso ang one year ban para sa mga talunang kandidato.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.