Walang malinis sa mga Teves, Degamo – Bato

By Jan Escosio May 12, 2023 - 10:13 AM

 

 

Tinapos na ni Senator Ronald ‘Bato’ dela Rosa ang pagdinig sa political killings sa bansa, na sumentro sa pagpatay kay Negros Oriental Governor Roel Degamo.

Nakapagkasa ng limang pagdinig ang pinamumunuan ni dela Rosa na Committee on Public Order.

Ayon sa senador napagbigyan niya ang lahat na makapagsalita at umabot sa 80 testigo ang humarap sa pagdinig.

Nagpalitan ang mga ito ng mga alegasyon at may mga naibahagi pang mga personal na bagay ukol kay Degamo.

Kaugnay naman sa mga kaso ng patayan sa Negros Oriental, sinabi ni dela Rosa na wala maaring maging “malinis” sa mga Teves,maging sa mga Degamo.

Pagbabahagi niya, siya pa ang hepe ng pambansang pulisya ay nakuha na ang kanyang atensyon niya ng mga patayan sa lalawigan at base sa  mga impormasyon ay nabanggit ang dalawang pamilya.

Nagpahiwatig pa ito na hindi pa siga noon si Teves dahil alam ng mambabatas na hindi siya makakalusot  sa kanila ni dating Pangulong Duterte.

Kumpiyansa si dela Rosa na makakagawa siya ng komprehensibong final committee report bagamat hindi nakadalo si Teves.

TAGS: bato, Murder, news, Radyo Inquirer, teves, bato, Murder, news, Radyo Inquirer, teves

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.