Inabswelto ng Muntinlupa Regional Trial Court Branch 204 si dating Senador Leila de Lima sa kasong illegal na droga.
Ayon kay Attorney Filibon Tacardon, abogado ni de Lima, acquitted ang dating senadora.
May isa pang kaso na kinakaharap si de Lima.
Taong 2017 pa nakakulong si de Lima sa Camp Crame, Quezon City matapos akusahan na tumanggap ng drug money sa illegal drug trade sa New Bilibid Prison noong siya pa ang kalihim ng Department of Justice.
MOST READ
LATEST STORIES