Abella, tiniyak na maihahatid ng malinaw ang mga mensahe ni Duterte

By Kabie Aenlle June 20, 2016 - 05:04 AM

ernesto abellaTiniyak ng bagong tagapagsalita ni incoming President Rodrigo Duterte na malinaw niyang ihahatid lahat ng mga impormasyong nais iparating ng pangulo sa bayan sa pamamagitan ng media.

Ayon kay incoming presidential spokesperson Ernesto Abella, nais niyang makabuo ng magandang relasyon sa mga mamamahayag, sa kabila ng pag-boycott ni Duterte sa mga ito.

Bukod sa malinaw na paghahatid ng mga nais iparating ng pangulo sa bayan, ipinangako rin ni Abella na mabilis siyang tutugon sa mga katanungan ng media basta’t nasa kanila na ang tamang impormasyon na dapat ihayag.

Matatandaang noong nakaraan ay inanunsyo ng kaniyang executive assistant na si Bong Go sa media na hindi na muna magpapaunlak ng interview at press conference si Duterte upang makaiwas sa pagkakamali.

Ginawa rin ito ni Duterte matapos siyang banatan ng ilang mga mamamahayag, at nang manawagan ang grupong Reporters Without Borders na i-boycott ang susunod na presidente.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.