Dating FL Imelda Marcos sumailalim sa heart surgery

By Jan Escosio May 12, 2023 - 08:38 AM

 

Kinumpirma ni Senator Imee Marcos na sumailalim sa heart surgery ang kanyang ina, si dating First Lady Imelda Marcos.

Ayon kay Marcos, noong nakalipas na araw ng Linggo, Mayo 7,  nang sumailalim sa angioplasty ang ina nila ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa St. Luke’s Medical Center – Global City.

Ibinahagi pa ni Senator  Marcos sa Senate media na matagumpay ang operasyon.

Inaasahan din aniya nila na sa mga susunod na araw ay pauuwiin na rin ang dating Unang Ginang dahil nakaka-recover na ito mula sa operasyon.

Ang dating Unang Ginang, na naging miyembro din ng Mababang Kapulungan, ay 93-anyos na.

TAGS: BGC, bongbong marcos, heart operation, Imee Marcos, Imelda Marcos, news, Radyo Inquirer, BGC, bongbong marcos, heart operation, Imee Marcos, Imelda Marcos, news, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.