Sinuspindi ng gobyerno ng Kuwait ang pagtanggap sa mga Filipino na nais magtrabaho sa kanilang bansa simula noong Miyerkules, Mayo 10.
Kinumpirma na ito ng Department of Foreign Affairs bagamat wala pang maibigay na detalye dahil wala pang ibinibigay na opisyal na komunikasyon ang Kuwaiti government hinggil sa kanilang naging hakbang.
Sa mga naglabasang ulat, ang dahilan ng Kuwait sa ginawang hakbang ay ang diumano’y paglabag ng Pilipinas sa bilateral labor agreement.
Nilinaw din na ang mga Filipino na residente na ng Kuwait o ang mga may Kuwait National ID ay maari naman lumabas at bumalik ng kanilang bansa.
Sinabi ni Foreign Affairs Assistant Secretary Paul Cortes nakikipag-ugnayan na ang kanilang mga opisyal ng Philippine Embassy sa gobyerno ng Kuwait para maplantsa ang isyu.
Umaasa ito na ang mareresolba ang isyu dahil na rin sa magandang relasyon ng dalawang bansa.