Kuwait hindi tatatanggap ng mga bagong Filipino workers

By Jan Escosio May 12, 2023 - 08:08 AM

 

Sinuspindi ng gobyerno ng Kuwait ang pagtanggap sa mga Filipino na nais magtrabaho sa kanilang bansa simula noong Miyerkules, Mayo 10.

Kinumpirma na ito ng Department of Foreign Affairs bagamat wala pang maibigay na detalye dahil wala pang ibinibigay na opisyal na komunikasyon ang Kuwaiti government hinggil sa kanilang naging hakbang.

Sa mga naglabasang ulat, ang dahilan ng Kuwait sa ginawang hakbang ay ang diumano’y paglabag ng Pilipinas sa bilateral labor agreement.

Nilinaw din na ang mga Filipino na residente na ng Kuwait o ang mga may Kuwait National ID ay maari naman lumabas at bumalik ng kanilang bansa.

Sinabi ni Foreign Affairs Assistant Secretary Paul Cortes nakikipag-ugnayan na ang kanilang mga opisyal ng Philippine Embassy sa gobyerno ng Kuwait para maplantsa ang isyu.

Umaasa ito na ang mareresolba ang isyu dahil na rin sa magandang relasyon ng dalawang bansa.

TAGS: deployment ban, kuwait, news, ofw, Radyo Inquirer, deployment ban, kuwait, news, ofw, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.