Hindi na kinausap ng mga lider ng bansang kasapi ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) ang lider ng Myanmar.
Ito ang ibinahagi ni Pangulong Marcos Jr., at aniya nagkasundo ang iba pang ASEAN leaders na itigil na ang komunikasyon sa Myanmar dahil hindi naman natutuldukan ang karahasan sa naturang bansa.
“What really happened during this last ASEAN Summit was new directions kasi there are certain issues that we feel have to be attended to. One of the biggest ones was Myanmar dahil nga walang nangyayari. Tinigil nating kausapin ang leadership ng Myanmar dahil nga sinasabi ng ASEAN na they have to stop the violence. However, nothing has really taken effect, that’s why naghahanap ang lahat ng members kung ano pa ang pwedeng gawin, ” pahayag ng Pangulo.
Dagdag pa nito; “Since the Five-Point [Consensus] has not been implemented and there seems little progress, the advice or the opinion of the majority of ASEAN members was that we must find ways to re-engage both sides of the conflict, both the military regime and the opposition. And it seems a good idea,”
Sabi pa din ng Pangulo, sang-ayon ang Pilipinas sa paninindigan na ito ng ASEAN.
Nakapaloob sa five-point consensus ang immediate end to violence, diyalogo sa lahat ng partido, pagtatalaga ng special envoy, humanitarian assistance ng ASEAN at pagbisita ng regional bloc’s special envoy to Myanmar.
Matatandaang nagkaroon ng military junta sa Myanmar. Binabalot ang Myanmar ngayon ng military rule, civil war, governance issues at malawakang kahirapan Pebrero 2022 nang magkaroon ng military coup sa Myanmar matapos mabigo ang democratic reforms.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.