Kaso ni Mary Jane Veloso idinulog ni PBBM kay Indonesian President Widodo

By Chona Yu May 11, 2023 - 07:22 PM

INQUIRER FILE PHOTO

Inihirit ni Pangulong  Marcos Jr. kay Indonesian President Joko Widodo na pag-aralang muli ang kaso ng Filipina na si Mary Jane Veloso.

Si Veloso ay ang overseas Filipino worker na nahatulan ng parusang bitay dahil sa kaso na may kinalaman sa droga.

Sa panayam kay Pangulong Marcos matapos dumalo sa ASEAN Summit sa Indonesia, sinabi nito na kinausap niya si Widodo sa kaso ni Veloso.

Pero ayon sa Pangulo, nanindigan si Widodo na pairalin ang batas sa Indonesia.

Buwelta naman ni Pangulong Marcos Jr., kay Widodo na patuloy na pinagsusumikapan ng pamahalaan na mailigtas si Veloso.

Taong 2010 nang hatulan ng kamatayan sk Veloso matapos makumpiskahan ng 2.6 kilos ng heroin sa bahagi ng Yogyakarta.

TAGS: Death Penalty, drug case, indonesia, mary jane veloso, Death Penalty, drug case, indonesia, mary jane veloso

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.