Dumating na sa bansa si Pangulong Marcos Jr. matapos ang pagdalo sa dalawang araw na 42nd Association of Southeast Asian Nation Summit sa Labuan Bajo, Indonesia.
Alas 5:54 kaninang hapon nang lumapag ang eroplanong sinasakyan ng Pangulo sa Villamor Air Base sa Pasay City.
Kasama ng Pangulo ang maybahay na si First Lady Liza Marcos at ang delegasyon.
Ibinida ng Pangulo, na matagumpay ang pagdalo niya sa ASEAN Summit.
“So pinag-usapan talaga is trade, connectivity ng bawat iba-ibang bansa. Yung connectivity ngayon hindi lang digital kung hindi pati rail, road, sea– lahat ‘yan pinag-uusapan,” pahayag ng Pangulo.
“Tourism was a big subject for all of us. The areas of, again, aligning. Kasi yung human trafficking nagkakaproblema, so we have to coordinate it, synchronize, even our legislation para hindi masyado maging malala ang sitwasyon sa human trafficking. But it seems to be a problem not only with us, but with other countries, ” pahayag ng Pangulo.