Ekonomiya ng Pilipinas lumago ng 6.4% sa 1Q 2023

By Jan Escosio May 11, 2023 - 06:12 PM

Sa unang tatlong buwan ng taon ay lumago ang ekonomiya ng bansa ng 6.4%, ayon sa  Philippine Statistics Authority (PSA).

Ito naman ay bumaba kumpara sa naitalang 7.1% sa huling tatlong buwan ng nakalipas na taon.

“Ito ang pinakamababang paglago matapos ang pitong quarter nang magsimula ang pagbangon ng bansa mula sa pandemiya noong ikalawang quarter ng 2021,” ayon kay National Statistician Dennis Mapa.

Aniya ang paglago ay mula sa pagsigla sa  wholesale and retail trade, pagkumpuni sa mga sasakyan at motorsiklo, at financial and insurance activities.

Positibo din ang paggalaw sa agrikultura, forestry, at pangingisda, maging sa  services sectors.

“One cannot discount that the slowdown that we’ve seen in the first quarter is the effect of high inflation,” sabi naman ni National Economic and Development Authority (NEDA) Sec. Arsenio Balisacan said at the press conference.

Binanggit pa niya na bagamat nabawasan ang “purchasing powers” ng mga konsyumer dahil sa mataas na inflation, tumaas pa ang kanilang “consumption level.”

Idinagdag pa ni Balisacan na ang mga sussunod na paglago ng ekonomiya ay nakadepende sa pagdami ng mga magkaka-trabaho.

 

TAGS: economic growth, Inflation, neda, psa, trabaho, economic growth, Inflation, neda, psa, trabaho

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.