Metro Manila COVID 19 positivity rate pumapalo pataas – OCTA
Binago na ni OCTA Research fellow Dr. Guido David ang kanyang unang pagtataya na aabot lang sa 25 porsiyento ang COVID 19 positivity rate sa Metro Manila ngayon linggo.
Kasunod ito nang paghataw na sa 24.2 percent ng positivity rate hanggang noong Mayo 9 mula noong Mayo 2 mula sa 19.7 percent.
Sinabi ni Guido na malaki ang posibilidad na humigit ito sa 25 porsiyento bago pa man maabot ang “peak,” na inaasahan pa rin niya na maaabot sa susunod na isa o dalawang linggo.
“Exceeding 25 percent is almost a given at this time. We still expect the peak to happen within one to two weeks,” aniya.
Banggit naman ni David, nananatiling mababa ang hospital bed utilization rate sa Metro Manila sa 27 porsiyento.
Kahapon, karagdagang 1,476 bagong COVID 19 cases ang naitala ng Department of Health (DOH) at 621 sa mga ito ay sa Metro Manila,
Ngayon araw, tinataya na makakapagtala ng 1,900 – 2,100 bagong nahawa ng nakakamatay na sakit.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.