Labuan Bajo, Indonesia – Nagkaroon ng break ang mga lider habang ginaganap ang 42nd Associstion of Southeast Asian Nations dito.
Ito ay matapos ipasyal ni Indonesian President Joko Widodo ang ASEAN leaders at ang kanilang mga maybahay sa isang sunset cruise sakay ng Pinisi boat sa Labuan Bajo pier, West Manggarai, East Nusa Tenggara kahapon. Ginawa ang sunset viewing activity matapos makumpleto ni President Jokowi ang serye ng plenary sessions at meetings. Kasama sa pamamasyal sina Sultan of Brunei Darussalam, Hassanal Bolkiah, at anak na si Prince ‘Abdul Mateen, Malaysian Prime Minister Anwar Ibrahim at may bahay nito, Philippine President Ferdinand Marcos Jr. at First Lady Lisa Marcos, Singapore Prime Minister Lee Hsien Loong at may bahay nito, Timor-Leste Prime Minister Taur Matan Ruak at may bahay nito. Kasama rin sa pamamasyal sina Deputy Prime Minister at Minister of Foreign Affairs of Thailand Don Don Pramudwinai, Prime Minister of Laos Sonexay Siphandone at may bahay nito, Prime Minister of Vietnam Pham Minh Chinh, at Prime Minister of Cambodia Hun Sen. Pagkatapos ng pamamasyal, jsang banquet dinner ang inihandog ni President Jokowi sa ASEAN leaders sa Ayana Komodo Waecicu Beach. Nabatid na ang sunset viewing activity ay batay sa layunin ni President Jokowi na ilako sa buong mundo ang Labuan Bajo bilang isang bagong tourist destination. “This is a great momentum for us to hold the ASEAN Summit in Labuan Bajo to promote Labuan Bajo so everyone in the world knows that in Indonesia, there is a place called Labuan Bajo in East Nusa Tenggara,” pahayag President Jokowi.Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.