Isyu ni Rep. Arnie Teves posibleng mapag-usapan nina PBBM at Timor Leste PM Ruak
By Chona Yu May 11, 2023 - 10:20 AM
Labuan Bajo, Indonesia – Naniniwala si House Speaker Martin Romualdez na maaring talakayin ni Pangulong Marcos Jr. kay Timor Leste Prime Minister Minister Taur Matan Ruak ang hirit ni suspended Negros Oriental Congressman Arnie Teves.
Sa panayam kay Romualdez dito, sinabi nito na batid ni Pangulong Marcos ang hirit ni Teves.
Alas 10:00 ngayong umaga, may nakatakdang bilateral meeting sina Pangulong Marcos at Ruak sa sidelines ng 42nd Association of Southeast Asian Nation Summit.
Ayon kay Romualdez, alam din ng Pangulo na tinanggihan ng Timor Leste ang hiling ni Teves.
Hindi naman masabi ni Romualdez kung hihilingin ng Pangulo sa Prime Minister na isuko ang kongresista.
Paliwanag nito, alam ng Pangulo na mayroong proseso at protocols na dapat sundin.
Depende na aniya kay Teves kung ano ang gagawin nito dahil mayroon lamang siyang limangvaraw para umalis sa Timor Leste pagkatapos ng denial ng request for asylum.
Pero kung ang Speaker ang tatanungin, mainam kung uuwi na lang ang kongresista at harapin ang mga alegasyon laban sa kanya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.