Geo-political issues dapat harapin ng ASEAN – Pangulong Marcos Jr.
By: Chona Yu
- 2 years ago
Labuan Bajo, Indonesia – Hinimok ni Pangulong Marcos Jr. ang mga kapwa lider na kasapi sa Association of Southeast Nations (ASEAN) na gumawa ng mapangahas at konkretong aksyon para tugunan ang geo-political issues na may kinalaman sa regional bloc.
Sa intervention ng Pangulo sa ASEAN Leaders’ Interface with the High-Level Task Force on the ASEAN Community’s post-2025 vision (HLTF-ACV), sinabi nito na dapat na ipagpatuloy ng regional bloc ang pagsusulong at pangangalaga sa kapakanan nito.
“The ASEAN of today must be better than the ASEAN of yesterday. For ASEAN to succeed, ASEAN must be the master of its future. The work of the High-Level Task Force requires sober deliberation of the potentials and the possibilities of the evolving regional and global architecture. It is imperative that we be decisive, it is imperative that we be responsive,” dagdag ng Pangulo.
Sabi ng Pangulo, dapat na ipakita ng ASEAN sa buong mundo na maayos na natutugunan niyo ang geopolitical at geo economic challenges.
“Today, ASEAN faces a complex geopolitical environment which includes rivalries amongst great powers, climate change, and technological disruptions, amongst others. ASEAN itself is not immune to its own challenges, as we continue to navigate our differences in the region towards a general consensus of action, ” dagdag nito.