P150 wage increase bill lusot sa Labor panel ni Sen. Jinggoy Estrada

By Jan Escosio May 10, 2023 - 07:43 PM

INQUIRER PHOTO

Ikinukunsiderang nakalusot na sa  Senate Committee on Labor, Employment and Human Resources ang panukalang-batas para sa P150 across-the-board wage hike sa lahat ng mga manggagawa sa pribadong sektor.

Nabatid na pag-uusapan na lamang ng komite na pinamumunuan ni Sen. Jinggoy Estrada ang isinusulong na paraan para maibigay ang umento sa mga manggagawa sa  micro, small and medium enterprises (MSMEs).

Nabanggit ni Estrada sa pagdinig na kailangan ng lehislasyon para mapagbuti ang sistema sa pagbibigay ng taas-sahod.

Sinabi pa nito na walang naging pagtaas sa suweldo kasunod na rin ng pandemya dulot ng COVID 19.

Aniya hindi maitatanggi na matindi ang pangangailangan para madagdagan ang sahod para maging sapat sa pangangailangan ng mga pamilyang Filipino.

Ayon naman kay Senate President Juan Miguel “Migz” Zubiri, isa sa mga awtor ng panukalang-batas, maaring matapos na ang final committee report ukol sa panukala at umaasa siya na maipapasa ito bago ang sine die adjournment ng 19th Congress sa Hunyo.

Nagpahayag ng suporta sa panukala sina Senate Majority Leader Joel Villanueva, Sens. Raffy Tulfo at Ramon “Bong” Revilla, Jr. 

 

TAGS: Labor, private sector, wage hike, Labor, private sector, wage hike

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.