“Love scam fraudsters” timbog sa PNP sa tulong ng GCash

INQUIRER PHOTO

Sa pakikipagtulungan ng GCash sa Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG) Cyber Response Unit, natimbog ang isang Filipina at Nigerian national na pinaniniwalaang sangkot sa “love scam.”

Pinaniniwalaang na mahigit P2 milyon na ang natangay ng dalawa sa biktima.

Base sa reklamo, nagkaroon ng “online romance” ang biktima sa isang nagpanggap na Turkish national na isang Demir Balik sa pamamagitan ng isang dating app.

Nagbigay ng higit P2.2 milyon ang biktima sa kanyang “virtual boyfriend” at nadiskubre na natanggap ng mga suspek na sina Jacel Ann Paderan, 28 at Ikenna Onouha, 37, isang Nigerian national ang pera.

Sa imbestigasyon, isang Cristine Mae Elizares ang umaktong “vrtual boyfriend” at sa entrapment operation ay nahuli sina Paderan ar Onouha.

Ngayon taon, higit 900,000 accounts na gamit sa panloloko ang naharang ng GCash.

Paalala ng GCash sa kanilang account holders na lubos na mag-ingat dahil sa pagdami ng ibat-ibang online scams.

Payo nito, palaging i-check ang payment terms ng seller, at hanggang maaari ay makipag-transact sa mga nagbibigay ng opsyon na magbayad makaraang ma-deliver ang produkto o serbisyo.

Read more...