Early registration sa public schools nagsimula ngayon araw
Inanunsiyo ng Department of Education (DepEd) na unang araw ngayon ng Early Registration sa piling grade levels sa mga pampubliko paaralan sa bansa.
Inilabas ng tanggapan ni Vice President at Education Sec. Sara Duterte angDepEd Order No. 010, s.2023 o ang “Amendment To DepEd Order No. 03, s. 2018 (Basic Education Enrollment Policy)” para sa iskedyul ng Early Registration sa public schools.
“Early registration for the school year 2023-2024 of incoming Kindergarten, Grades 1, 7, and 11 learners in public schools shall be conducted from May 10 to June 9, 2023. “However, the schools may continue to implement other options or means of collecting early registration forms,” ayon sa DepEd.
Nagbago ang iskedyul ng Early Registration nang mabago ang school calendar dahil sa pandemya.
Paalala pa ng kagawaran ang mga mag-aaral sa Kindergarten, Grade 1 at Grade 11 sa mga public elementary at secondary schools ay kinakailangan na mag-pre register o makibahagi sa early registration para makapaghanda ang DepEd para sa mga maaring pagbabago sa School Year 2023 – 2024.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.