Sa pag-asang hindi siya mali-late sa kanyang appointment sa Davao City, sa Philippine Airlines sumakay ang Chief executive Officer ng Cebu Pacific na si Lance Gokongwei.
Sa halip na sa kanyang airline company, sa economy class ng PAL flight PR 1817 tungong Davao nag-book ng flight ang mataas na opisyal upang dumalo sa dalawang-araw na consultative meeting ng mga negosyante sa naturang lungsod.
Gayunman, sa kabila nito, nabigo pa rin ang opisyal na dumating sa takdang oras dahil late pa rin na lumapag ang kanyang sinasakyang eroplano ng PAL sa Davao City.
Dapat ay alas 3:00 ng hapon ang alis ng kanyang eroplano sa NAIA Terminal 2, ngunit nakabyahe lamang ito ng alas 5:15 ng hapon.
Dakong alas 6:40 na ng gabi nang dumating ang eroplanong kinalululanan ni Gokongwei sa Davao City.
Ngayong araw nakatakdang simulan ang consultative meeting ng mga top officials ng iba’t-ibang kumpanya sa bansa sa mga economic managers ni incoming President Rodrigo Duterte.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.