Pilipinas, Lao PDR nagkasundo na mapagtibay ang relasyon

PCO PHOTO

Labuan Bajo, Indonesia – Nagkasundo ang Pilipinas at Lao People’s Democratic Republic (PDR) na palakasin pa ang kooperasyon sa ibat ibang larangan kabilang na sa edukasyon, kalusugan, kalakalan at  people-to-people exchange.

Ito ang napagkasunduan nina  Pangulong Marcos Jr. at bagong talagang Lao Prime Minister Sonexay Siphadone kasabay ng pangakong makikipagtulungan sa mga lider na kasapi ng Association of Southeast Nations (ASEAN). Sabi ng Pangulo, nasa humigit kumulang 2,000 Filipino ang naninirahan sa Lao kung saan karamihan ay nagtatrabaho sa sektor ng edukasyon. Binigyang diin din ng Pangulo ang malakas na sistema ng kalusugan sa Pilipinas kung saan sinubok sa pandemya sa COVID-19. Nagkaroon ng bilatetal meeting ang dalawang lider sa sideline ng  42nd ASEAN Summit plenary session na ginaganap dito. Umaasa ang Pangulo na lalakas pa ang professional exhanges at turismo ng dalawang bansa. Kasabay nito, inimbitahan ng Pangulo ang Lao leader na bumisita sa Pilipinas para sa isang state visit at gayundin sa kanya ang huli.

Read more...