Labis na pinuna ni Senator Nancy Binay ang bagong tourism ad para mapaunlad ang sektor ng turismo sa Pilipinas.
“We appreciate the initiative and the effort to give the Philippines the needed boost in the global market. Kaso, parang may disconnect ang messaging. Is the ad intended to encourage tourists to visit the country? Is it aimed to encourage more foreign investments? Or, is it meant for hospitals abroad to hire our nurses? Napaka-vague lang talaga,” sabi ni Binay.
Nakakabahala aniya ang isang transit ad sa London dahil tila pag-aalok ito ng Filipino nurses sa kabila ng kakulangan ng nurses sa Pilipinas.
“We don’t want to commodify our people, and we don’t want to be tagged as a labor-exporting country. Sa unang tingin pa lang, ano ang konek ng nars, heringgilya at bakuna sa pino-promote nating mga tour destination?” tanong ng senadora.
Nakakalito aniya kung ang tourism ad ay para sa Department of Tourism, Board of Investments o Department of Migrant Workers.
“Sad to say—from a tourism perspective—‘di tugma ang ‘Best’ messaging sa gusto nating ma-achieve sa Philippine tourism. Ang tanong ko rin: ‘yan na ba talaga ang ia-adopt ng DOT na bagong slogan?” dagdag katanungan pa ng namumuno sa Senate Committee on Tourism.
Umaasa na lamang si Binay na lalagyan na lamang ng bagong “twist” ang slogan na “It’s More Fun in the Philippines.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.