Labuan Bajo, Indonesia – Hinikayat Pangulong Marcos Jr. ang mga kapwa lider na kasapi sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) na magkaroon ng regional regrouping para sa transisyon mula sa paggamit sa renewable patungo sa alternative energy technologies.
Inihayag ito ni Pangulong Marcos Jr. sa 42nd Association of Southeast Asian Nations Summit Plenary Session at aniya ginagawa na ito ngayon ng Pilipinas. Nanawagan din ang Pangulo ng pagkakaisa sa mga miyembro ng ASEAN para tuparin ang matagal ng pangako sa Paris Agreement. “Although developing countries such as the Philippines only account for less than one percent of global emissions, our countries bear the brunt of the devastating impacts of climate change,” pahayag ng Pangulo. Ayon sa Pangulo, may ginagawa ng mga mapangahas na hakbang ang Pilipinas para magkaroon ng transisyon sa paggamit patungo sa renewable at alternative energy technologies. Sabi pa ng Pangulo, mayaman ang Pilipinas sa critical metals gaya ng aluminum, nickel at chromite na sapt para makabuo ng episyenteng enerhiya. “Recognizing that a cleaner energy future is anchored on the supply of critical minerals, ASEAN should now start enhancing regional cooperation towards boosting the region’s strategic industrial metals and minerals value chain. Developed countries have a moral obligation to support adaptation and mitigation efforts of the most vulnerable countries through technology transfer, capacity building, and climate financing, this to address loss and damage, and to achieve necessary breakthroughs for climate action at a global scale,” dagdag ng Pangulo.MOST READ
LATEST STORIES