Target collection sa unang apat na buwan nakamit ng BIR

By Jan Escosio May 10, 2023 - 04:45 PM

Naabot ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang target nitong makolektang buwis sa unang apat na buwan ng taon.

Ngunit wala pang maibahaging datos ang kawanihan bagamat ang koleksyon ay ikukumpara sa naabot sa katulad na panahon noong nakaraang taon.

Ayon kay Comm. Romeo Lumagui, Jr., makasaysayan na itong maituturing.

Ngayon taon, target ng BIR na makakolekta ng P2.6 trilyon sa mga buwis at ang halagang ito ay mataas ng p300 milyon kumpara sa nakolekta noong nakaraang taon.

Aniya ang tagumpay na ito ay bunga ng kanilang pagpapaigting sa koleksyon, pagpapabuti sa kanilang mga serbisyo, integridad, digitalisasyon ng proseso at propesiyonalismo.

TAGS: BIR, collection, target, tax, BIR, collection, target, tax

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.